Nakatingin pa rin ako kay Lunnox habang papasok siya sa bahay niya. Kailangan ko siyang protektahan kahit na alam kong kinasusuklaman niya ako. Hindi siya p'wedeng gamitin ng mga kalaban ko laban sa akin. Hindi ako makakapayag na gawan nila ng masama si Lunnox. Ikinuyom ko ang kamao ko at saka kinagat ang aking ibabang labi. Hindi na ako makakapayag na maulit kay Lunnox ang nangyari kay Fiona. Kung noon wala akong nagawa ngayon hindi na iyon mauulit pa. Kilala ko ang may-ari ng subdivision kaya madali sa akin na gumawa ng paraan para malapitan ko si Lunnox. Hindi mahirap para sa akin na kontrolin ang buhay ng ibang tao para lamang mapasunod ko sa mga gusto ko. Dumiretso na ako sa bahay na kinuha ko at naghihintay doon sa akin si Venom. Katulad nang inaasahan ko magiging meeting place na