Pinagseselos ba niya ako? Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko. At bakit naman niya ako pagseselosin? Wala naman siyang pakialam sa akin. Hay, nakakainis na talaga. At talagang sa dinami-rami ng mga babaeng p'wedeng maging close ni Caliver ay ang babaeng iyon pa talaga. Nakikita ko siya sa Via at hindi ko gusto ang ugali niya. Sa babaeng iyon pa talaga nakipag-flirt si Caliver? Hindi ba nito alam na maraming issue ang babaeng iyon. Dating mistress ng isang businessman pagkatapos magiging babae naman niya? Kunsabagay, ganoon naman talaga ang tao kapag nagsawa na. Hindi ko lang maintindihan ngayon kung bakit ganito ang ginagawa ni Caliver ngayong alam niya ang sitwasyon ni Fiona. "Siraulo talaga!" Kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa at nawawala ang cellphone ko. Marahil nahulog iyon