"Caliver..." mahinang sambit ni Lunnox habang pinupunusan ko ang mga kamay niya. Pinahiga ko siya sa kama at inalis ang suot niyang damit bago takpan ng kumot. Ilang beses akong bumuga nang malalim habang pinagmamasdan si Lunnox na mahimbing na natutulog. Hindi ako likas na gentleman, alang-alang sa kanya kailangan kong tumawag ng mga anghel sa langit. Nakangiti ito habang tinatawag ang pangalan ko. Siguro napapaginipan niya ako sa isang romantikong lugar. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi habang pinagmamasdan ko siya ay namasa ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko dahil kahit na ilang ulit niya akong itaboy ako pa rin ang laman ng panaginip niya. "Mahal na mahal kita, Lunnox. Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo... hindi na kita hahaya