NAKAHIGA lang sa kama si Camia at hirap na siyang makatulog. Sinadya niyang lagyan ng unan sa pagitan nila ni Remus para hindi ito direktang makalapit sa kanya. Hindi naman puwedeng palayasin niya ito sa sarili nitong kuwarto. Wala rin siyang dahilan mangimi dahil ilang beses nang naangkin nila ang isa't-isa. Mas higit pa iyon kaysa magtabi sila sa kama. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilawna mayroong malamlam na liwanag. Sinipat niya si Remus. Hubad-baro ito at tanging itim na boxer ang suot pan-ibaba. Hindi ito nagkukumot kahit malamig sa loob ng kuwarto. Nakapikit ito pero alam niya hindi pa ito natutulog. Naisip niya ang kuwintas na binigay nito. Hinawakan niya ang mabigat na pendant niyon. Iginigiit niya na kasama iyon sa strategy ni Remus para makuha ang loob niya. Pero sorr