NAGTATAKA si Camia bakit lahat ng taong nakakasalubong niya papasok sa opisina ay nakatingin sa leeg niya. Late na siyang nagising kaya nagmadali siyang naligo. Sa kakamadali niya’y pulang T-shirt lang ang naisuot niya at itim na pantalong maong. Ni hindi nga niya nasuklay nang maayos ang buhok niya’ng hindi napatuyo. Pagpasok niya sa agent’s office ay titig na titig sa kanya ang mga kasama siyang babaeng agent. Si Tanya lang ang naglakas-loob na lapitan siya at punain ang nakikita ng mga ito sa leeg niya. “Kiss mark ba ‘yang mga nasa leeg mo, Camia?” tanong nito. Kinapa naman niya ang leeg niya. Lumapit siya sa salamin at tiningnan ang leeg niya. Napamata siya nang makita ang nandamakmak na kiss marks sa kanyang leeg. “s**t! Buwisit na lalaking ‘yon!” bulalas niya. “Sinong lalaki?”