KINABUKASAN pagpasok ni Camia sa opisina ay kaagad naibalita ng mga kasama niya ang tungkol sa lalaking nahuli ng mga pulis. Bigla raw nawala sa kulungan ang lalaki. Nakasara ang piitan nito at hindi nabuksan ang pinto. Wala rin naman daw sira ang kisame kahit sa banyo. Pero ayon sa mga nagbabantay na pulis, may nakita raw ang mga ito na malaking paniki na lumabas mula sa mismong piitan. Naalala niya ang nakita niyang mga paniki sa mismong bakuran niya. Nabasa rin niya minsan sa research niya tungkol sa mga bampira, na may mga bampira raw na kayang mag-anyong paniki. Nang sugatan niya ng key chain niyang silver na pangil ang lalaki ay nakita niyang umusok ang balat nito at nakita niya ang sugat ng pulis na kinagat ng lalaki. Malalim ang baon ng ngipin ng lalaki sa balat ng pulis. Obvious