NANG kumalma ang pangangatal ng kalamnan ni Remus ay bumangon siya at nagbihis. Hindi na nakabangon si Camia. Bumalik ang epekto ng alak sa utak nito nang mahimasmasan ito. “Huwag mo ‘kong iwan…” wika nito habang pilit siyang inaaninag. Hinila niya ang kumot saka itinakip sa hubad nitong katawan. “Ako ba ang kausap mo?” naninigurong tanong niya. “Cole?” untag nito. “f**k!” Nag-init ang bunbunan niya nang ibang pangalan ang binanggit nito. Tinalikuran niya ito. “R-Remus?” muli ay bigkas nito. Nilingon niya ito. “Matulog ka na,” aniya. “Ganyan nga kayong mga lalaki. Kapag hindi kontento sa performance ng babae ay biglang mang-iiwan,” palatak nito. Nagtagis ang bagang niya. “Iba-iba ang mga lalaki, Camia. Aaminin ko, hindi ako kontento kahit ilang beses kitang naangkin. Feeling ko ku