Chapter 42 Iniwan ni Samantha ang mga kaibigan na nakatulog na sa may sala ng bahay nila. Kakatapos lamang nilang mag-inuman at nalasing na sina Agnes at Weng. Habang sina Pan naman at Pepper ay magkatabing natutulog sa may carpet. Kinuhanan niya ng larawan ang dalawa para gawing pang-asar sa mga ito. Nasa kay swing naman si Tres at may hawak na beer. Nang makita siya nito ay sinenyasan siyang lumapit. Tumabi siya nang pagkakaupo sa binata. "Madaling araw na," mahinang sabi niya. Nilingon nito ang kinaroroonan ni Rolly na mahimbing na natutulog sa may bench. "Nakakatuwa sila. Bilib ako kay Weng, kahit na mahal niya si Rolly ipinipilit niya iyong isantabi para kay Agnes." Malapad siyang ngumiti dahil naalala niya kung paano magtapat ng pag-ibig si Rolly kay Weng pero pilit na tumatangg