Chapter 43 "Bakit ba tayo nandito, bakla?" usisang tanong ni Pan sa katabing si Pepper na may dalang telescope at naka-tinted shades pa. Iyon nga lamang ay nakasuot ito ng ternong pink na pantulog na hello kitty ang design. "Kaninong bahay ba iyan?" muling pagtatanong niya rito. Nasa harapan sila ng malaking bahay at wala siyang alam sa ginagawa ni Pepper. Ang sinabi lamang nito ay samahan siya nito dahil may importante silang gagawin. Nagmumukha silang imbestigador. "Hoy, bakla!" Tinapik niya ito at maarteng nagsalita. "Hoy, bruha! Manahimik ka nga riyan. Alam mo ba nakasalalay sa mga kamay natin ang kalayaan ni Franco. Masama ang kutob ko sa Carlos Ventura na iyan. Isipin mo ha! Coincidence ba na naging mag-partner sila ni Kaycee?" Tama si Pepper, nagtataka rin siya. At kinailangan