Chapter 44 Naging abala si Samantha sa sa café dahil marami silang mga customers. Hindi nagpunta ng café nila si Tres. Marahil ay busy ang binata sa sarili nitong negosyo. Hindi pa rin siya iniimik ni Pan. Mukhang nagtatampo ito sa kaniya dahil sa naging reaksiyon niya kanina. Bumaga siya nang malalim at lumabas ng kaniyang café. Paglabas ni Samantha ng kanilang coffee shop ay nakita niya si Carlos na palapit sa kaniya. Mukhang magbubukas na ito ng club nito. Nakangiti ito nang makalapit. "Good morning, Sam," bati nito sa kaniya. Ibinaba nito ang bitbit na gitara at saka humila ng upuan sa labas ng kanilang café. "Mag-order ako ng black coffee bago magbukas ng club." "Si-sige..." Tinalikuran niya ang binata. Ipinagtimpla niya ito ng kape at saka muling lumabas para ibigay rito ang ord