Chapter 45: Lies

2100 Words

Chapter 45 Nagpasya si Samantha na sumama kay Carlos sa San Celestino, dahil may binabalak siya. Gusto niyang tumulong kina Pepper at Pan sa pagtuklas nang katotohanan. Hindi para bumalik si Franco sa kaniya o balikan siya ng binata. Kun'di para maging malaya na si Franco kay Kaycee. Nakasakay si Samantha sa kotse ni Carlos. Madaling araw siya nitong sinundo sa kanilang bahay. Ibinilin niya ang kaniyang mga kapatid sa kaniyang Tita Sol. Nagpaalam din siya rito na magtutungo sa Pangasinan para sa negosyo. Kailangan niyang magsinungaling sa kaniyang Tita Sol, at hindi niya ipinaalam kay Pan ang kaniyang binalak gawin. Dahil alam niyang pipigilan lamang siya nito. "Matutuwa si Lola Lita kapag nakita ka niya, Sam," nakangiting ani Carlos sa kaniyang tabi. Napansin niya ang benda sa kamay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD