Chapter 60 HINIHINTAY ni Samantha si Franco sa hospital dahil dini-discharge na siya. Matapos ang tatlong linggo ay maayos na ang kaniyang kalagayan. Nalaman ni Samantha na patay na sina Carlos at Sandra. Masaya siya at malungkot dahil sa kagustuhang maghiganti ni Carlos ay kailangan pa nitong mandamay ng ibang tao. Masayang tumawag ang kaniyang kaibigan na si Pan kanina. Hinihintay siya nitong makauwi sa kanilang bahay. Kasama nito ang kaniyang ama na ipinagluluto siya ng kaniyang mga paboritong pagkain. Ibinilin sa kaniya ng doctor na kailangan pa rin niyang magpa-check up every week para masigurado na maayos na ang kaniyang kondisyon. Kahit na may trauma siya sa nangyari ay may lesson naman siyang natutunan. Na maikli lamang ang buhay para sa paghihiganti at paggawa ng masama sa kapw