Chapter 60: Continuation KINAKAGAT ni Franco ang dulo ng kaniyang hawak na ballpen habang pinapaikot ang kaniyang upuan. Nasa loob siya ng kaniyang office sa Guerero's Corporation at abala sa kaniyang mga gawain. Nakaharap sa kaniya ang sandamakmak na files. Ilang beses na rin siyang sumagot sa mga emails sa kaniya ng mga businessmans na gustong mag-invest sa kanilang kumpanya. Dahil wala si Pepper ay pakiramdam ni Franco ay nalumpo siya. Hindi siya sanay na wala ang kaniyang matalik na kaibigan ngunit kailangan nitong magpahinga pagkatapos ng mga nangyari. Patingin-tingin si Franco sa kaniyang smart watch. Dapat sana ay susunduin niya si Samantha sa hospital ngunit nagpaalam sa kaniya si Tres na gusto nitong kausapin ang dalaga. Alam niya na mahal na mahal ni Tres si Samantha ngunit ma