Chapter 39 INIHINTO ni Tres ang kaniyang kotse dahil humahagulgol sa kaniyang tabi si Samantha. Kapag nakikita niyang umiiyak ang dalaga ay nadudurog ang kaniyang puso. "Hindi mo dapat na iniiyakan ang katulad ni Franco, Sam. Hindi siya karapat-dapat na mahalin. Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa kaniya." Bumuga siya nang malalim at sinuntok ang manibela ng kaniyang kotse. "Napakatanga ko, Tres. Ang tanga-tanga ko," umiiyak na sabi nito. Niyakap niya ang dalaga sa kaniyang tabi. "Hindi ka tanga, Sam. Mali ka lamang ng lalaking minahal." Tinignan niya ito sa mukha at pinahid ang luhang nag-uunahan sa mga maga nito. "Ipapangako ko na hindi ka na muling iiyak dahil sa kapatid ko, Sam. Uuwi na tayo, hinihintay ka na ng Papa mo at ni Pan. Sigurado ako na nag-aalala na sila sa iyo." I