Chapter 38 Hindi makapagsalita si Pan habang nakaharap sa kaniya. Hindi nito masabi kung saan naroon ang kaibigan nito na kahapon pa niya hinahanap. Maging si Pepper na nasa tabi nito ay panay iwas sa kaniyang mapanuring tingin. Tila may pinagtatakpan ito tungkol sa kaniyang nakakatandang kapatid. "Hindi ba talaga kayo magsasalita?" maawtoridad niyang tanong sa mga ito. "Sir Tres, hindi namin alam kung nasaan sina Samantha at Sir Franco," matigas na sagot ni Pan. "At kung alam man namin hindi namin iyon sasabihin sa iyo." Masamang tinignan niya si Pan. "So, alam nga ninyo. Bakit hinahayaan mo na sumama ang kaibigan mo sa kapatid ko!" Biglang pumihit si Pan sa kaniyang sinabi niya bakas sa mukha nito ang pagkagulat. At halata naman sa mukha ni Pepper ang pagkagulat sa sinabi niya