Chapter 65 Bilang panunuyo ni Sam sa kasintahan ay ipinagluto niya ito ng pininyahang manok bilang kanilang hapunan. Hindi siya nito pinansin pagkatapos siya nitong ihatid sa University at kaninang sunduin siya nito. Nag-aalala siya baka galit pa rin ito sa kaniyang ginawa. Nagtatampo pa rin sa kaniya ang guwapo niyang kasintahan. Gusto lamang naman niya na mamuhay ng normal at simple habang isa siyang estudyante. Na hindi nakadikit sa anino ni Franco bilang isang kilala at nirerespetong tao. Nahihiya siya sa binata lalo na kapag mahusgahan ito dahil sa kaniya. Ano na lamang ang sasabihin ng iba. Na siya ang kasintahan ng isang Franco Guerrero? Nangalumbaba siya at kinagat ang dulo ng kaniyang ballpen. Nagpaalam sa kaniya ang binata na may aasikasuhin lamang ito sa winery factory. At ka