Chapter 64 HINIHINTAY ni Tres si Dalen na pumasok sa kaniyang opisina. Ilang araw nang hindi nagpaparandam sa kaniya ang dalaga. Simula noong araw na angkinin niya ito ay hindi na ito nagpakita pa. At hindi niya maitatanggi na nami-miss na niya ito. Ang mga jokes nito na napaka-corny. Ang pagtawa nito sa mga simpleng bagay, ang pangiti nito kapag pinapagalitan niya. At ang pagiging maalalahanin nito sa kaniya. Pumasok sa kaniyang opisina si Pepper hawak ang mga folder na ipinakuha niya sa accounting department. "Para kang naluging intsik naman riyan, sir?" mataray nitong usisa sa kaniya. "Hindi pa ba pumapasok si Miss Lucrecia." Tukoy nito kay Dalen dahil sa pagiging baliw raw ng dalaga. Wala kasi ito sa sarili at madalas na lutang. Bagsak ang balikat na umiling siya. "Tawagan mo nga,