Chapter 63 HINDI itinuloy ni Franco ang kaniyang plano na pakasalan kaagad ang dalaga dahil sa pakiusap nito. Mabilis lamang naman ang sampung buwan na kaniyang hihintayin para mapakasalan ito. At habang hinihintay ang dalaga na makapagtapos sa pag-aaral ay may isa pa siyang kailangan na gawin. Kailangan niyang itama ang kasalanan ng kaniyang ama sa pamilya ni Carlos. Ibabalik niya ang lupang sinasaka ng mga ito. Alas sais ng hapon nang sadyain niya sa tinitirahan nitong kubo si Nanay Lolita. Iniwan niya si Samantha sa vacation house dahil abala ito sa pagtatanim ng mga ornamental plants kasama ni Manang Ditas. Inaaliw ng dalaga ang sarili nito para na rin makalimutan ang mga hindi magagandang nangyari sa mga nagdaang araw. Hawak niya ang envelope na naglalaman ng titulo ng isang ektar