Chapter 58

2202 Words

Chapter 58 Nakahanap ng tiyempo si Franco para makapasok sa loob ng gate. Madaling araw siya kumilos habang natutulog ang mga bantay. Maingat siyang naglakad para hindi siya mapansin ng mga ito. Kumuha siya ng dos por dos na pamalo kung sakaling magising ang dalawang bantay. Tumigil siya sa pagkilos nang gumalaw ang isang bantay na natutulog sa may upuan. Nakaharang ito sa kaniyang daraanan. Bumuga siya nang malalim at muling kumilos. Hanggang sa makapasok siya sa loob. Isang lumang bahay na ginawang bodega ang kaniyang nakita sa loob. Nakatambak ang mga nangangalawang na bakal sa lapag. Puno ng alikabok at maraming sapot ng gagamba. Maraming agiw sa itaas at madilim ang kanang bahagi. Dumapa siya at maingat na kilos habang gumagapang. Kaunting ingay lamang ang kaniyang magawa ay tiyak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD