Chapter 57 DAHIL sa biglaang emergency ni Dalen ay ipinasya ni Franco na ihatid ang dalaga sa tirahan nito sa Baranggay Recto Malasakit, sakop pa rin ng Tarlac. Nalaman din niya na umalis na sa hotel sina Tres at Sam kaninang tanghali. "Salamat sa paghahatid mo sa akin, sir. Alam mo gusto ko pa sana na magkaroon ng maraming oras para makipagkulitan sa iyo, sir. Kaso nagkaroon ng emergency sa bahay. Sayang naman ang date natin." Kinuha nito ang bag sa nakabukas na compartment ng kaniyang kotse. "Bawi na lang ako sa susunod, sir. Ipagluluto na lang kita kapag nakabisita ako sa bahay mo. O kaya sasabihin ko na lang kay---" Pinutol niya ang sasabihin nito at nginitian niya ang dalaga na napaka-friendly sa kaniya. "Thank you, Dalen." Kinawayan siya nito bago magtungo sa isang eskinita. "Sig