Chapter 56 "Nagawa mo ba?" agad na tanong ni Carlos kay Sandra habang pasakay ito sa loob ng kaniyang van. Matapos ang tatlong araw na pagpapanggap ni Sandra bilang si Sania ay mangyayari na rin ang matagala na niyang binabalak. Kukunin niya si Samantha para mapalabas niya si Franco. Kailangan nitong pagbayaran ang kasalanan nito sa kaniya. Pinaghahanap na siya ng batas at kailangan niyang maunahan si Franco bago pa man siya maipakulong nito. "Oo, naman. Alam mo sukang-suka na ako sa pinaggagawa ko!" Inihagis nito ang limang daang piso sa trash bin na nasa likuran ng van. "Pero dahil mahal na mahal kita, titiisin ko ang lahat, Carlos. Bukas darating si Samantha at mangyayari na ang inaasahan mo." Hinalikan niya sa labi si Sandra. "Good. Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal at pinagk