Chapter 55 NAIILING na sinundan ni Dalen si Franco. Ngayon lamang pumasok sa kaniyang isip ang pangalan ng babae at kung saan niya ito unang nakita. Ito ang babaeng dumating noong gabi na lasing na lasing si Franco at ihatid niya sa bahay nito. Alam niya na ginagamit lamang siya ni Franco para pagselosin si Samantha. Nang halikan siya kanina nito sa labas ng maze at nang pakisamahan siya nito bilang pekeng girlfriend. Sweet si Franco sa kaniya dahil iniiwasan ni Samantha. Pero batid ni Dalen na may malalim na dahilan kung bakit iyon ginagawa ni Franco. Siguro, dahil kay Carlos. O kaya dahil sa lalaking kasama ni Samantha na si Tres. Nakita ni Dalen na nagtungo si Franco sa egg shape rattan hanging chair. Bago niya sundan ito ay kumuha muna siya ng dalawang canned beer. Nakatingala si