Chapter 54 "Okay ka lang, sir?" untag ni Dalen sa kaniya habang naglalakad sila sa loob ng sunflower maze. "Sir, iyong babae kanina parang nakita ko na siya noon. Saan na nga ba iyon?" tanong nito sa sarili. "Halika na..." Nauna siyang naglakad habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot niyang pantalon. "Sir, sandali lang." Humabol ito sa paglalakad. At hinawakan ang kaniyang kamay. "Magiging boyfriend muna kita ng dalawang linggo, sir." Tumawa ito nang malakas. Itinulak ni Franco si Dalen pero hindi nagpaawat ang dalaga at lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. Habang naglalakad sila ni Dalen at naglilibot sa loob ng maze ay nakita niya si Samantha na may hawak na sunflower habang nakayuko. Napahinto siya sa paglalakad at pinanuod ang dalaga na pagkatuwaan ang