Chapter 9 Binisita ni Franco ang kanilang brewery building sa San Celestino dahil nasira ang isang fermentation tank na kinalalagyan ng mga fermented beer. Bigla na lang raw nag-collapse iyon at huminto sa pag-ikot. Tinawagan pa ang engineer nila para suriin ang naging problema ng operation machine ng tank. May apat silang engineers sa site nila pero pinapunta sa kabilang building ang mga engineers para tignan ang mga bagong dating na machines. Wala pa siyang naging maayos na tulog dahil bilang CEO ng kumpanya nila ay kailangan niya na ayusin ang mga main problems tulad nito. Ang san Celestino ay bahaging bayan ng La Union kung saan naroon din ang grapes plantation nila at isang private resort. Madalas siya na manatili sa lugar kapag gusto niyang mag-relax at lumayo pansamantala sa m