“AASAHAN KITA bukas, Zebianna,” paalala pa ni Aliyah kay Zebianna nang dumaan ito sa ukupado niyang table sa cafeteria nang tanghali na iyon. Napatingin siya kay Aliyah na matamis pang nakangiti sa kaniya. Tumango siya kahit na hindi pa rin sigurado kung pupunta nga ba sa birthday party nito bukas. “S-sige,” wika pa niya. Nang maglakad na palayo si Aliyah ay napabuntong-hininga pa siya. “Ano’ng mayroon bukas?” usisa pa sa kaniya ni Geo na kasabay niya sa tanghalian. Tiningnan niya ito. “Birthday bukas ni Aliyah,” inporma niya kay Geo. Mahigpit ding bilin sa kaniya ni Geo na ‘wag na ‘wag siyang magpakapormal dito kapag nasa university sila. Kaya naman sinikap din niyang pakitunguhan ito na para bang close lang sila na hindi kailangan ng po at ho kapag magkausap sila. “Pinapapunta ka b

