HINDI PA RIN nabubura ang ngiti sa labi at mga mata ni Azriel nang bumangon ito mula sa pagkakahiga sa bench. At bago pa makahuma ang nabiglang si Zebianna ay mabilis na ring nakatayo si Azriel para alalayan ang dalaga sa pag-upo. Pagkuwan ay naupo rin sa tabi niya si Azriel. Kagat ang ibabang-labi na nag-iwas siya ng tingin. Maging dulo yata ng mga buhok ni Zebianna ay namula dahil sa biglang paghalik sa kaniya ni Azriel. Alam ba nito na naroon siya? Kung hindi, bakit ang bilis ng galaw nito kanina? Huminga siya nang malalim. Nag-ipon din siya ng lakas ng loob para tingnan si Azriel na bumaling din ng tingin sa kaniya. Ngumiti na naman ito na nagpatunaw sa puso niya. “Azriel,” aniya nang mabawi ang boses. “Hindi mo dapat sinasanay ang sarili mo na palagi na lamang akong hinahalikan.

