PARANG GUSTONG pagsisihan ni Sam na inaya pa niya si Azriel na mag-bar sila. Pinuputakte kasi ito ng mga babae. Napakagagaslaw. Kasama na siya ng nobyo niya pero kung idikit pa rin ng mga babae ang sarili kay Azriel ay wagas. Habol pa rin ni Sam ang paghinga nang makalabas sila ni Azriel sa pinanggalingang bar. Nang hindi kasi siya makatiis ay hinila na niya palabas ng bar si Azriel. “I’m sorry,” hinging paumanhin pa sa kaniya ni Azriel. Bakas pa rin sa magandang mukha ni Sam ang inis nang pumihit siya paharap kay Azriel. “Ekis na talaga sa akin ang mga bar. Hinding-hindi na tayo pupunta sa mga ganiyang klase ng lugar. Mas okay pa siguro na pumunta tayo sa amusement park.” Niyakap siya ni Azriel. “Calm down, Love. Gusto mo na bang umuwi muna tayo?” Umiling siya. Pagkuwan ay napabunton

