ANIMO NANGHIHINA na isinandal ni Sam ang kaniyang likuran sa isinara niyang pinto, pagkauwi niya sa kaniyang apartment. Pumunta siya sa isang convenient store na malapit para bumili ng kaniyang sanitary napkin. Wala siyang stock kaya kinailangan niya pang lumabas. Hindi naman niya magawang utusan si Azriel dahil nahihiya siya na pati pagbili ng kaniyang napkin ay iuutos pa niya rito. “Kauuwi mo lang?” tanong pa ni Azriel kay Sam nang makita siya nito sa may pintuan. Nagpaalam naman siya rito na may bibilhin lang sa malapit na store. Itinago niya sa kaniyang likuran ang dalang supot. “Hmmm. Kauuwi ko lang. CR lang muna ako,” aniya na hinayon na muna ang silid niya. Dumiretso siya sa banyo para ayusin ang sarili at ng maging kumportable na siyang kumilos. Nang makalabas sa banyo ay nama

