LAST DAY nina Azriel at Sam sa New York City. Sa loob ng dalawang linggo nilang pagsasama sa New York, maiksi man para sa iba, pero para kay Sam ay malaking bagay iyon dahil mas nakilala niya si Azriel. Naka-book na rin ang flight nila papunta sa Germany. Isang linggo lang sila roon. Pagkatapos niyon ay babalik naman sila sa Pilipinas. Mas kinakabahan pa rin siya na harapin ang mga magulang niya kaysa ang harapin ang pamilya ni Azriel sa Germany. Inamin din sa kaniya ni Azriel na first time nitong magpapakilala ng nobya sa pamilya nito. Ang mga naging ex-girlfriend kasi nito ay ni hindi nito nagawang ipakilala sa pamilya nito dahil ang gusto nito, kapag magpapakilala ito ng kasintahan ay iyon na talaga ang makakasama nito sa habang-buhay. In short, iyong seryosohan na talaga. At dahil s

