KULANG na lamang ay higpitang lalo ni Zebianna ang pagkakatali ng manipis na mahabang roba sa kaniyang katawan. Suot na niya ang two-piece red swimsuits na pinasusuot sa kaniya ni Aliyah. Siguro naman ay hindi kawalan kina Aliyah kung mas piliin niya ang hindi maligo mamaya para hindi na rin niya hubarin pa sa kaniyang katawan ang suot na roba. Hindi siya sanay na ipangalandakan ang kaniyang katawan sa publiko. Sa edad na sixteen ay hindi maitatago ang perpektong kurbada ng kaniyang katawan. Pang-beach-body, ika nga ng marami. Maaari nga siyang ipanglaban sa mga beauty pageant dahil sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Idagdag pa ang natural niyang kagandahan at talinong tinataglay. Pero mas nangingibabaw naman ang hiya niya kaya imposibleng mapasali siya sa mga ganoong event. Napati

