NANGINGINIG ang mga kamay na maingat na inalis ni Zebianna ang comforter sa kaniyang katawan. Saka lang niya nakita ang hotel robe na suot niya. Takot at pangamba ang bumundol sa kaniyang dibdib. Halos manigas din siya sa pagkakaupo sa kama at hindi magawang balingan ng tingin ang lalaking nasa tabi niya. Bakit may kasama siyang lalaki roon? Iyon ba ang lalaking naghatid sa kaniya kagabi? Pero bakit nakahubad iyon at naroon pa rin iyon? Unti-unting nanlabo ang kaniyang mga mata ng dahil sa luha. Wala siyang maalala kaya hindi niya alam kung ano ang nangyari kagabi. O kung may nangyari ba sa kanila ng lalaking kasama sa hotel suites na iyon? Napahawak siya sa kaniyang ulo nang mangirot na naman iyon. Siguro ay dahil sa nainom kagabi. Nang makaramdam ng panunubig ay buong ingat din na b

