IYONG NGITI ni Samarrah habang nakatayo sa labas ng simbahan ng St. Catherine of Alexandria ay hindi paawat. Maging ang nag-uumpisa na ring pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata ay hindi rin niya mapigilan. Totoo nga na talagang hindi mo mapipigilan ang emosyon mo oras na alam mong tuloy na tuloy at wala ng magiging balakid sa araw ng kasal ninyo ng iyong minamahal. Hawak ni Samarrah ang kaniyang wedding bouquet habang nakatayo siya sa harapan ng nakasarang malaking pinto ng simbahan na pagdarausan ng kanilang kasal ni Azriel. Alam niya na ng mga sandaling iyon ay nasa loob na ng simbahan ang buo niyang pamilya at ang kaniyang lalaking minamahal. Bukod kay Azriel ay hindi rin niya mapigilang isipin ang naging reaksiyon ng kaniyang mga kapatid. Na tiyak na mapapanood din niya, da

