NANG MARINIG ni Samarrah ang iyak ng kaniyang anak ay may pagmamadali na lumabas siya sa banyo. Saglit na saglit pa lang siyang nawawala sa tabi ng baby boy nila ni Azriel na si Azrah pero naghanap agad ng presensiya ng ina. Four months pa lang si Azrah. Pero malaking bulas kaya para bang malapit ng mag-isang taon. Ngunit paglabas niya sa banyo ay nakita naman niya si Azriel na buong ingat na binubuhat si Azrah mula sa crib niyon. Kauuwi lang ni Azriel galing sa trabaho. Nakahinga naman si Samarrah nang maluwag. Huminto na rin sa pag-iyak ang baby nila. Nang makita siya ni Azriel na palapit sa mga ito ay gumuhit pa ang ngiti sa labi nito. “Sakto lang ang uwi ko. Tutulo pa lang ang luha ni baby Azrah,” nangingiti pang wika ni Azriel na nilambing-lambing na ang anak nila. “Umihi lang ako

