“NAKAPAGSAING ka na ba, Bia?” Buhat sa kinukusot na damit ay lumingon si Bia sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niya ang kaniyang ina. Kararating lang nito. “‘Nay, wala naman pong bigas. Paano ho ako magsasaing?” sagot niya bago ibinalik ang tingin sa nilalabhan. “Bakit hindi ka muna nangutang sa tindahan?” “Ang haba na ho ng listahan ninyo sa tindahan.” “Pambihira naman ‘to. Parating na ang tiyo mo.” Tumiim ang labi niya. “Tapos ano po? Lasing na naman?” Pero hindi pinansin ng kaniyang Nanay Agatha ang kaniyang sinabi. “Baka may naitatago ka pa riyan, bawasan mo muna.” Huminga siya nang malalim. Naiinis siya sa kaniyang ina dahil hindi pa rin nito hiwalayan ang lalaking kinakasama nito na si Tiyo Aurelio. Wala rin namang naitutulong sa kanilang pamilya. Kung tutuusin ang k

