IBA PALA talaga sa pakiramdam kapag tanggap na kayo ng lalaking mahal mo ng buong pamilya at ng mga taong nakakasalamuha nila sa high society. Sa ibinigay pa lang na statement ng kaniyang ama na si KG, na alam niya na iginagalang sa lipunan, sigurado si Samarrah na walang mangangahas na gawan pa sila ni KG ng issue. Even the malicious media. “Puwede mo bang pisilin ang pisngi ko, Love?” ani Samarrah na kinawayan pa si Azriel na lumapit sa kaniyang kinauupuan sa silid nito. “Why?” nangingiti naman nitong tanong habang nagpupunas ng basa nitong buhok gamit ang puting tuwalya. Kalalabas lang nito sa banyo. “Hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon sa nangyari kagabi. Para bang nasa isang panaginip pa rin ako.” Naupo si Azriel sa tabi niya at itinigil na ang pagpupunas sa basa n

