Chapter 79

2576 Words

HINDI NA napigilan pa ni Samarrah ang hindi tumayo nang makita niya na ang hinahayon ng mga magulang niya ay ang kinaroroonan nila ni Azriel. Maging si Azriel ay tumayo rin at bahagya pa siyang hinila papunta sa bandang likuran nito. Protecting her at all cost. Para bang iniisip din nito na kung sakali man na puwersahin siyang isama ng kaniyang mga magulang ay hindi siya basta-basta makukuha ng mga ito. Sa kabilang banda, nakaramdam si Samarrah nang kapanatagan dahil alam niya na hindi siya pababayaan ni Azriel. Huminga siya nang malalim at sinikap na magpakatatag. “What are you doing, Azriel? Ayaw mo ba na batiin namin ang anak namin?” kaswal pa na tanong ng Daddy KG ni Samarrah sa kaniyang nobyo nang makalapit ang mga ito sa kanila. Humigpit naman ang kapit ni Azriel sa kamay ni Sama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD