SA NAGUSAMI Hotel inihatid sina Samarrah at Azriel ng kanilang family driver. First time niya roong makakapasok dahil noon naman ay hindi sila roon nagagawi. “Nakapunta ka na ba rito noon?” tanong pa ni Samarrah kay Azriel habang inaalalayan siya nito sa pagbaba ng sasakyan. “Napapadaan lang dati.” “Wala kang dinadala rito para i-date?” “Sino naman ang dadalhin ko? Ikaw ‘yong first girlfriend ko noon. Bawal naman tayo sa malapit kung lalabas tayo.” Hayon na naman ang ngiti sa labi ni Samarrah na halos walang mapaglagyan. “Love,” aniya nang makababa siya sa sasakyan. “Okay lang ba ang hitsura ko? How about my dress?” Napangiti si Azriel. “Are you nervous?” sa halip ay nangingiti pa nitong tanong na hinagkan pa ang likod ng isa niyang kamay na hawak nito. “Don’t be nervous, Love. You l

