BAGO PA TULUYANG mawala sa sariling katinuan si Bia ay agad niyang itinulak palayo sa kaniya si Kennedy. “B-baliw ka ba? D-dito ka pa talaga nagkakalat?” Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa kanilang dalawa ngayon? Ayaw niya na isipin ng mga naroon na may relasyon sila dahil wala naman talaga. Kay bilis lalo ng t***k ng kaniyang puso na kulang na lamang ay marinig niya. At ni sa panaginip, hindi niya inisip na magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa kahit na sino mang Ladjasali. Lalo na sa isang Kennedy Ladjasali. Tapos ngayon, heto ito sa harapan niya at nakuha pa siyang hagkan sa pampublikong lugar? Bakit kailangan nito iyong gawin? “May pakialam ka sa ibang tao? Hindi ka naman nila kilala.” At mas lalong hindi inaasahan ni Bia ang katwiran na iyon ni Kennedy. Nanginginig siya d

