BAKIT ba masyadong nagpasindak si Bia kay Kennedy? Mariin siyang napapikit habang ang mukha ay nakapaling sa may bintana sa gilid niya. Kung hindi naman nito nakuha ang kaniyang gamit ay wala siyang dahilan para sumama rito. Kung hindi nito ibibigay sa kaniya ang kaniyang sling bag na may laman ding malaking halaga ng cash ay hindi na niya gagawing big deal pa basta makalayo lamang dito. Pero pati ang mismong back pack niya ay naisip pa nitong gawing alas para lang mapasama siya rito. Dahil alam nito na wala siyang kapera-pera sa kaniyang katawan. Wala sa plano ni Bia na muling makasama si Kennedy. At kung hindi ito umeksena kanina? Sigurado siya na nakalayo na siya sa Maynila ng mga sandaling iyon. Palayo sa isang Kennedy Ladjasali. Pero aminin mo, Bia. Hindi mo napaghandaan ang Kenned

