“BALIW ka na talaga, Zebianna. Bakit ikaw pa ang gumawa ng ganoong move?” impit na napatili si Zebianna nang isubsob niya sa kaniyang unan ang kaniyang mukha. Paulit-ulit sa kaniyang gunita ang ginawang kapangahasan kanina kay Azriel. Hinagkan niya ito sa mismong labi nito. Ngayon, pinoproblema naman niya kung ano ang maaaring epekto ng ginawa niya rito? Paano kung may masabi pa ito sa kaniya? Nag-angat siya ng ulo. “Hindi. Hindi mangyayari ‘yon. Siguro naman ay mauunawaan niya ako na masyado lang akong nadala ng sitwasyon kanina. Pero paano kung hindi?” Mangiyak-ngiyak na naman sa kahihiyan na isinubsob niya ang mukha sa kaniyang unan. Kinabukasan, hindi tuloy magawang tingnan ni Zebianna sa mukha si Azriel nang makasakay siya sa kotse nito. “Good morning,” masigla pang bati sa kaniy

