Chapter 32

2424 Words

HUMINGA nang malalim si Zebianna nang makita niya sina Aliyah at Azriel na magkasama sa iisang lamesa habang kumakain ng tanghalian. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang plato na may lamang pagkain. Masaya ka na ba ngayon, Aliyah? Solo mo si Azriel, aniya sa kaniyang isipan. Isang tingin pa sa likuran ni Azriel bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Nang lumampas siya sa lamesa na ukupado nina Aliyah at Azriel ay deretso lang ang tingin niya at sinikap na pigilan ang sarili na mapagawi ang tingin sa mga ito. May parte ng puso niya ang animo para bang pinong kinukurot ng mga sandaling iyon. Dahil sa pagpaparaya niya, heto naman siya ngayon, lihim na nasasaktan ang puso. Patalikod ang puwesto niya sa kinaroroonan nina Azriel. Ayaw niyang makita kung paano itong kausapin ni Aliyah. Baka maki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD