NAGULAT si Zebianna nang bigla na lamang may pumulupot na kamay sa kaniyang braso. Mas nagulat siya nang mapagsino iyon. Si Aliyah! “‘Y-yong braso ko po,” aniya rito. Matamis pa itong ngumiti sa kaniya. Ni hindi man lang binitiwan ang kaniyang braso at umagapay pa sa kaniyang paglalakad. “Gusto lang kitang makausap, Zebianna.” Gusto siya nitong kausapin? Pero bakit? Hindi naman sila nito close. Tumingin pa si Aliyah sa paligid bago siya nito hinila papunta sa isang hardin na naraanan nila. Ang Sunken Garden. Nang huminto sila sa paglalakad ay saka lang ito pumwesto sa may harapan niya. “Bakit gusto mo ho akong kausapin?” Ngumiti ulit ito. Maamo rin ang mukha nito, mala-anghel, ika nga. “Wala kasi akong ibang mapagtanungan, eh. At saka, mukhang kayo ni Azriel ang close. Palagi rin

