SUMILAY ang ngiti sa labi ni Bia habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na abala na pagbilhan ang mga namimili sa kanilang tindahan. Dalawang bayan ang layo sa dati nilang tinitirhan ang apartment na nilipatan nila ng kaniyang Nanay Agatha. Tiyak niya na hindi iyon matutunton ng kaniyang Tiyo Aurelio na hiniwalayan na rin ng kaniyang ina. Masaya siya na napapayag niya itong sumama sa kaniya at tapusin na nito ang kung ano mang koneksiyon kay Tiyo Aurelio. Nang umuwi siya sa kanila, umusbong ang galit niya nang makitang may pasa sa braso ang kaniyang ina at sa panga nito. Napag-abutan daw ito ng kinakasama nang umuwing lasing na lasing. Kaya pinapili niya ang kaniyang ina kung sasama ba ito sa kaniya o ipakukulong niya ang kinakasama nito. Sa huli ay mas pinili nito na sumama sa kaniya m

