Book 2 - Chapter 22: One Night Pleasure

2303 Words

“ANG AGA naman yata ng uwi mo? Parang kumain ka lang talaga ng dinner,” wika pa ni Geo kay Kennedy na kararating lang sa bahay nila. “Sinabi ko naman sa iyo na wala talaga akong gana na lumabas. Kung hindi lang kayo nuknukan ng kulit ni Jamil, hindi ko naman sisiputin ang dinner date na ‘yon.” “Pa-KJ ka nang pa-KJ, Kuya Ken,” naiiling na wika ni Geo. “Ganiyan ba talaga kapag malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad mo?” “Tigilan mo ako, Geo. I’m tired,” aniya na hinayon na ang papunta sa may grand staircase. Gusto na lang niyang ilapat ang likod sa kaniyang malambot na kama. “Kuya Ken, may naghahanap nga pala sa iyo kanina,” bigla ay wika ni Geo. “Sinabi mo bang wala ako? Busy? Nasa out of town?” “Hindi. Sabi kasi ng guard, mukhang importante ang pakay sa iyo. Kaya sabi ko, puntahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD