Book 2 - Chapter 13: One Night Pleasure

2765 Words

ANG SERYOSO masyado ni Kennedy na halos magpatalon sa puso ni Bia na bigla na namang nawala sa tamang katinuan. Higit sa lahat ay ayaw niyang seryosohin ang sinabi nito kaya naman idinaan niya sa tawa. “Kung nag-jo-joke ka, ang benta ng joke mo sa akin,” natatawa pa niyang wika rito. “Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako, Zebianna?” Unti-unting nabura ang kaniyang ngiti sa labi. Hindi ito nagbibiro? Ipinilig ni Bia ang ulo. Siguro ay malakas lang talaga ang sapak nito ng mga sandaling iyon. Hinding-hindi niya seseryosohin. “K-kung hindi ka nagbibiro, puwes, hindi ko seseryosohin ang sinabi mo, Kennedy.” Papanagutan niya ito? Nababaliw na ba ito? “Ayaw mo?” seryoso pa nitong tanong. Napalunok lang si Bia. “Zebianna, para sabihin ko sa iyo, hindi ako easy to get na lalaki. Ikaw iton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD