NAGISING MULA sa isang masamang panaginip si Bia. Halos manginig pa ang kaniyang pakiramdam at habol ang kaniyang paghinga. Ginising siya ng mala-demonyong halakhak ni Earl Laveign sa kaniyang panaginip. Sa panaginip niya ay napagtagumpayan daw siyang gawan ng masama ni Earl Laveign sa sapilitang paraan. Itinali pa ang mga kamay at paa niya sa kama para pahirapan siya. Nayakap niya ang kaniyang sarili nang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Napatingin siya sa tabi niya. Wala roon si Kennedy. Nang ilibot niya ang tingin sa medyo may kadilimang paligid, dahil hindi nakabukas ang main light, nakita niya ang kaniyang hinahanap. Nakahiga sa may sofa si Kennedy na kaniyang ipinagtaka dahil malaki naman ang kama na kinahihigaan niya. Bakit mas pinili nitong sa sofa mahiga? Napapalunok pa na

