SA HALIP na ihatid ni Kennedy si Zebianna sa nakita niyang address, na nasa dalang sling bag nito, hindi niya ginawa. Para bang sa pagkakataon na iyon ay ayaw niyang mawala agad ito sa kaniyang paningin. After eleven years, muli niya itong nakita. At sa pagkakataon pa na hindi niya inaasahan. Makikita ang malaking pinagbago ni Zebianna. Lalo na sa pangangatawan nito. At lahat ng pagbabago nito physically ay bagay lang dito. Hindi niya itatanggi ang bagay na iyon. Na-surpresa pa nga siya na malaman na ito na si Zebianna ngayon. Hindi niya alam kung ano ba ang connection nito sa lalaking kasama nito kanina sa bar. Isa iyon sa gusto niyang malaman dito. Actually, marami siyang nais na malaman tungkol dito. Kumusta kaya ito sa lumipas na labing-isang taon na wala silang balita rito? Hiling

