HINDI na tumugon pa si Sam sa nagsalita. Baka kasi nakaringgan lang talaga niya ang boses na iyon. Sa halip, naluha lang siyang lalo. Daig pa niya ang namatayan ng mga sandaling iyon. Right. Ganoon katindi ang nararamdaman niya. Sabagay, para na rin naman talagang namatay ang puso niya. Habang unti-unting lumalayo sa Pilipinas ang kaniyang kinasasakyan, para bang naiiwan din doon ang kaniyang puso. “Ma’am, drink this water so you will feel better,” muli ay wika ng babaeng flight attendant. “I said, I don’t need anything,” she hissed. Ayaw niyang magtaray, pero sa kundisyon niya, baka lahat ay angilan niya. Mas mabuti pa na pabayaan na lamang siya ng lahat. “Kung kahit pag-inom ng tubig, hindi mo gagawin, ma-de-dehydrate kang lalo sa ginagawa mo.” Hayon na naman ang boses na inakala n

