“NALIGAW ka yata?” kaswal pang tanong ni Shantal nang makita ang kapatid nitong si Tami na kapapasok lang sa entrada ng mansiyon. “Kung sina mama at papa ang pakay mo, aware ka naman siguro na wala sila rito ngayong weekend,” dagdag pa ni Shantal. Sandaling inilibot ni Tami ang tingin sa paligid bago iyon itinuon kay Shantal. “Si Zebianna ang pakay ko, Ate,” kaswal ding wika ni Tami sa kapatid. Tumawa ng pagak si Shantal bago naglakad palapit kay Tami. “Alam mo na ba ang ginawa ng scholar mo na ‘yon? Sa halip na unahin ang pag-aaral, inaatupag din ang paglandi. Worst thing, anak mo pa talaga ang nakuhang biktima.” Sa halip na ma-trigger o ano pa man sa sinabing iyon ni Shantal ay nakuha pang ngumiti ni Tami. “Hmmm. Alam ko, Ate. Kaya nga narito ako ngayon para i-invite sa lunch si Zebia

