“WEIRD FEELINGS na hindi mo dapat maramdaman… sa akin?” Ipinilig ni Sam ang ulo nang muling gumunita sa kaniyang alaala ang sinabing iyon ni Azriel. Bakit sa iyo pa, Azriel? Bakit? Isinubsob niya ang mukha sa kaniyang unan. Dahil sa kahihiyan sa kaniyang pinsan na si Azriel, kaya naman hindi nangangahas si Sam na dumalaw sa bahay ng kaniyang lolo’t lola. “Nasa baba si Kuya Azriel,” inporma pa ni Jamil kay Sam nang isang hapon ay lumabas siya sa kaniyang silid at akmang bababa sana ng bahay nang makasalubong naman niya sa pasilyo si Jamil. Bigla ay napahawak siya sa kaniyang puson at kunway napadaing pa. “Sumasakit na naman ang puson ko,” pagdadrama pa niya bago bumalik sa silid niya habang nakahawak ang isang kamay sa may dingding ng pasilyo at doon ay namamaybay. Kung puwede lang tu

